CHAPTER 43 Beatrice was not able to move. Nakaupo pa rin siya sa kandungan ni Paul at halos manlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang mga salitang binitawan nito kanina. Gusto niya pang isipan na baka nakaringgan niya lamang ang mga sinabi nito. Na baka namali lamang siya ng kanyang mga narinig. But when Beatrice looked at her husband, she saw how serious his face was. Mataman lamang din itong nakatitig sa kanya. Ang mga mata nito ay nakatunghay sa kanyang mukha at wari ay naghihintay ng kanyang magiging reaksyon. "W-What did you say?" tanong niya dito sa nauutal na paraan. Ni hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin dito. Paul smiled widely at her. Tumaas ang isang kamay nito at marahan na inipon ang mga takas niyang buhok upang ilagay ang mga iyon sa likod ng kan