CHAPTER 44 Nagising si Beatrice nang sumunod na araw na wala na sa kanyang tabi ang kanyang asawa. Mag-isa na lamang siya sa kanilang kama. Agad siyang humarap sa panig kung saan ito nahiga at mula roon ay kinuha ang malambot na unan na ginamit nito. She grabbed his pillow and hugged it tight. Isinubsob niya pa ang kanyang mukha roon na wari ba ay sa pamamagitan niyon ay mayayakap na niya ang kanyang asawa. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. She woke up feeling so different today. Kakaumpisa pa lamang ng araw ngunit para bang kompleto na agad ang kanyang buong maghapon. Was it because of the idea that she knew about Paul's feelings towards her? Dahil ba iyon sa pag-amin na ginawa nito sa kanya kahapon? Sa pag-amin ni Paul na mahal siya