CHAPTER 45 Nang mabalitaan nga ni Beatrice ang tungkol sa nangyari kay Ronniel ay agad niya iyon na binanggit sa kanyang asawa. Humiling pa siya kay Paul na ihatid siya nito sa ospital kung saan kasalukuyan na naka-confine si Ronniel, bagay na sinang-ayunan naman nito. Magkasalo muna silang kumain ng almusal na ito mismo ang nagluto bago gumayak na sa pag-alis. Alam niya na papasok pa sa opisina ang kanyang asawa ngunit pinili muna nito na samahan siya bago tumuloy sa trabaho nito. Pagdating nila sa ospital ay naroon na ang kanyang Kuya Jake. Kasama nga nito ang kanyang Kuya Vincent at ang asawa nitong si Ysabella. Magkakasama silang pumasok sa silid kung saan naroon si Ronniel. Sakto naman na may malay na ang binata nang dumating sila roon. Ligtas na ito ayon sa mga doktor na tumingin