TULALANG napatingin ako sa kanya. Pilit kong inaalis ang kamay ni Liam sa aking kanang pulsuhan. Nagulat na lamang kasi ako nang nasa tabi ko na siya. Hindi ko siya naramdaman man lang. “L-Liam, bakit po?” Natataranta kong tanong sa kanya. “L-Liam, m-masakit po...” Dagdag na sabi ko ulit. Dahil dumidiin ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan. “Bro, nasasaktan na si Isla.” Pumagitna na si Niccolo sa aming dalawa. “Hey, hey, don't touch our friend!” Sabat din ni Therese at pinalo sa kamay ni Liam ang papel na hawak niya. Nahimasmasan yata siya dahil tinanggal niya ang kamay niya sa aking pulsuhan. “S-sorry, Miss Isla. Natutuwa lang ako dahil tama ang desisyon kong lumipat dito. Makikita na kita always, makakausap at makakasama pa...” Napalayo ako sa kanyang harapan. Hindi ko alam p