ALAS-DIYES na ng umaga nang magising ako. Napatingin ako sa aking tabi, mahimbing pa rin natutulog si daddy Ryde. Napangiti tuloy ako. Nakatagilid ako nang pʼwesto ngayon kaya kita ko ang maamo niyang mukha, hinaplos ko ang kanyang pisngi. Ganito pala ang itsura ni daddy Ryde kapag natutulog, ibig sabihin ganito na ang palaging view ko kapag nauuna akong magising sa kanya. Tinitigan ko pa siya nang matagal hanggang ako na ang kusang halikan ang kanyang labi. Kanina ko pa kasi tinitigan ang mapula niyan labi. “Good morning, daddy Ryde! Wake up na po! Umaga na po!” sabi ko sa kanya at paulit-ulit na hinalikan ang kanyang labi, smack lamang. “Wakey-wakey, daddy Ryde!” sabi ko pa rin sa kanya. Pero, kahit ilang ulit ko pa siyang gisingim ay hindi talaga siya nagigising. Dahil, gising nam