LUMIPAS ang tatlong linggo ko sa school, so far ay sobrang ayos ng mga pakikitungo ng mga kaklase ko, lalo na ang dalawang bago kong kaibigan na sina Fatima and Nicole. Hindi ako naging out of place sa classroom namin. Lalo na nu'ng acquaintance party, lahat sila ay nakilala ko na talaga. Iyong akala ko ay sobrang ilap, maarte at hindi pala-kaibigan ang section na napuntahan ko ay salungat sa iniisip ko. Sobrang babait, kalog at higit sa lahat ay naging in agad ako sa section namin. Para tuloy hindi ako transferee. Buti na lamang ay pinush ko talaga kay daddy Ryde ang acquaintance party na iyon. “Isla? See you next week!” sabi sa akin ni Therese — isa sa mga classmate ko. Ngumiting kumaway ako sa kanila, kasama niya kasi iyong boyfriend niyang si Niccolo — kaklase rin namin. Isa sila