ERICE Nandito na kami sa auditorium at hinihintay ang pagdating ng musical play director namin. Kanya-kanya na rin kaming puwesto dito sa loob habang pinag-aaralan ang script. Medyo malayo sa 'kin ang puwesto nina Mileezen at Zach. Pagpasok kasi namin dito sa loob, agad na nitong hinila ang best friend ko para ma-solo at ma-practice ang kanilang eksena habang niyaya naman ni Trisha si Renjo sa isang sulok para mapag-aralan din ang mga scenes nila. Hindi ako lumapit sa kinaroroonan ni Van kahit gustung-gusto akong hilahin ng mga paa ko papunta sa puwesto niya. That's why, I ended up with Xander and Drenz while reading the script. Pero, hindi ko maiwasang sumulyap at pasimpleng magnakaw ng tingin sa kanya na kasalukuyang nakaupo lang sa isang sulok at tutok na tutok sa hawak na script.