ERICE Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa practice namin kahapon. Although Van's lines were part of the script, hindi ko pa rin maiwasang kiligin lalo na at sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang iyon. Magiging ganap na sana ang tuwa at sayang nararamdaman ko kung hindi lang sumigaw ng 'cut' ang musical director pagkatapos kong sagutin ang tanong ni crush doon sa scene namin. Nagha-hum ako habang naglalakad papunta sa classroom namin. Kinikilig pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang nangyari sa practice. I even slept with a wide smile on my face. How I wish he really meant that line. Agad akong napangiti nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa hallway. I know it's him. I don't know how, but I know it's really him kahit likod pa lang ang nakikita ko sa