ALAS-DOS na ng madaling araw ngunit hindi ako dalawin ng antok. Iniisip ko pa rin ang nag-text sa akin kanina. Gusto kong malaman kong totoo na si Orly ang gustong magpapatay sa akin. Ilang beses nag-text sa akin ang tao na nakakaalam ng totoo. Hindi ako nakatiis. Bumangon ako at para uminom ng alak ngunit agad kong nakita si Orly na nakahiga sa kama at walang suot na damit pang-itaas. Tanging boxing shorts lang ang suot niya kahit naka-aircon naman kami. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Kumuha ako ng alak at tumayo ako sa harap ng bintana at hinawi ko ang kurtina upang makita ko labas. Huminga ako ng malalim. “Sana hindi totoo ang sinabi ng lalaki na ‘yon. Hindi ko alam kung kakayanin kong tanggapin.” Sabay inom ko ng alak. Nagulat ko nang maramdaman kong may yumak

