“Ma’am, saan po kayo pupunta?” tanong sa akin ng katulong nang makita niya akong may makeup. Nakasuot rin ako ng gown na kulay itim. “Pupunta ako sa party.” “Alam po ba ito ni Sir Orly?” Tumango ako. “Yes, alam niya ito. Huwag kang mag-alala kasama ko naman ang bodyguard ko.” Tumango siya. “Mag-ingat po kayo.” “Salamat.” Hindi alam ni Orly kung saan ako pupunta pero siguradong malalaman na niya ngayon dahil isasama ko ang bodyguard ko. Hindi ko na tatakasan ang bodyguard ko dahil takot na akong baka may masamang mangyari sa akin. Nakataas ang kilay ko habang naglalakad palabas. Nang sumakay ako ng kotse ay tumawag naman si Orly. “Where are you going?” bungad niyang tanong nang sagutin niya ang tawag ko. “I'm going to the party.” “Whose party? Why didn't you invite me?” I rolled

