Balak pa sanang ituloy ni Hans ang gagawin niya pero mas lumapit ang putok ng baril kaya nagmamadali siyang nagsuot ng damit at kinuha ang baril. "Babalikan kita at itutuloy ko ang gagawin ko sa iyo!" "Demonyo ka! pakawalan mo ako!” Hindi na niya ako dinamitan sa halip ay lumabas siya ng kuwarto. Pilit kong inaabot ang damit ko upang itakip sa dibdib ko. Tumulo ang luha ko. “O-Orly, tulungan mo ako,” bulong ko. Tumagal ang putukan ng halos sampung minuto pagkatapos ay may sumipa ng pinto. Tumagilid ako upang hindi makita ang dibdib ko. “Oh, s**t! Aya!” sigaw ni Orly. Bumuhos ang luha ko na humarap sa kanya. “O-Orly!” Lumapit sa akin si Orly ay inalis ang tali kamay ay paa ko. Agad ko naman sinuot ang bra at damit ko. “Anong ginawa nila sa iyo?” Nakita ko sa mukha niya ang galit.

