HUMINTO ang artista van ko sa lugar kung saan gaganapin ang eksena namin sa pelikulang pinagbibidahan ko. Kapareha ko rito ang on screen partner ko na si Mark Ferrer, isang sikat na guwapo, macho at magaling na actor. Nagsimula kaming mag-clik bilang loveteam sa teleserye na ginawa namin. Hindi kami ang main character sa teleserye na ‘yon pero napansin ng fans ang chemistry namin at maging ang direktor ay napansin kami. Kaya naman nabuo ang team na Markphine. Lumaki ang naging fans base namin kaya marami ang kumuha sa amin na endorser. Dalawang beses na rin pumatok ang dalawang pelikula na pinagbibidahan namin. Ngayon, ito ang pangatlong pelikula na gagawin namin at maraming naka-line up na teleserye at mga endorser na kami ang magkasama. “Ang daming mga fans sa labas,” wika ni mommy. Si

