“Seraphine, kailangan mo pumunta sa Milan bukas para sa fashion week,” wika ng manager ko habang kasama namin si Mommy. Umikot ang eyeballs ko. “Hindi ako pupunta sa Milan.” “Seraphine, importante ang araw na ‘yon,” sagot ng manager ko. “Katatapos lang ng malls show, at pelikula ko. Halos wala pa akong halos kumpletong tulog.” “Makakapagpahinga ka kapag nando’n n tayo sa Milan dahil tatlong araw tayo doon.” “Hindi ko na nagagawa ang mga gusto kong gawin.” “Seira, anak, ‘wag mong sayangin ang kasikatan mo. Alalahanin mo maraming mga artista ang gustong sumikat pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon pero ikaw.. nasa iyo ang spotlight.” Huminga ako ng malalim. “Fine, pupunta ako sa Milan.” Ang tamis ng mga ngiti nila sa naging sagot ko. Ang hindi nila alam ay may pinaplano ako kapa

