“GOOD MORNING!” Isang matamis na halik at may kasamang yakap ang bumungad sa akin nang magising ako ng umaga. “Hmm.. good morning.” “Honey, nagluto ako ng breakfast natin kaya bumangon ka na dahil dadalaw tayo sa anak ni Sevie,” wika ni Drake. “Bakit nagluto ka ng breakfast nandiyan naman ang katulong natin para gumawa ‘yan?” “Gusto kong makasigurado na healthy ang kinakain n’yo ni Dale.” “Okay, five minutes.” “Sige, balikan kita after thirty five minutes.” Binigyan niya ako ng halik sa pisngi bago umalis. Ngumiti ako saka tinuloy ang tulog ko.” “Hello, Little Sevie,” sabi ko habang hinahawakan ko ang maliit niyang kamay. Tumingin naman siya sa akin. “Ang cute cute mo talaga nagmana ka sa Daddy mo,” nanggigil akong hinalikan sa kamay. Tatlong buwan ang anak ni Sevie. Ngayon n

