DRAKE’S POV Tumunog ang alarm ni Steffie, ngunit hindi siya nagising kaya naman ako ang tumayo para patayin ang alarm niya. “Bakit nag-alarm siya ng alas-sais ng umaga kung hindi naman siya babangon?” Muli akong humiga hanggang sa tuluyan akong makatulog. “Drake!” boses ni Steffie ang naririnig ko. “Hmm… What's the problem?” “Pinatay mo ang alarm ko kanina?” “Yes, bakit?” “Bakit mo pinatay ang alarm ko.” “Hindi ka naman nagising kaya pinatay ko na lang.” Sumimangot siya. “Hindi ko narinig ang alarm ko, hindi tuloy ako nakapunta sa opening ng new brand ng in-endorse ko.” “Endorser ka na ulit?” “Yes, pumirma ako ng kontrata noong isang araw.” Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. “Steffie, kulang pa ang mga negosyo ko para magtrabaho ka kahit buntis ka?” “Hindi per ang dahilan

