NAKATITIG ako sa malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko na nakasuot ng wedding gown. Ibang-iba pala ang pakiramdam kapag nakasuot ka ng wedding lalo na’t alam mong ikaw ang ikakasal. “Steffie, ready ka na ba?” tanong ni Tita Solen sa akin. “Ganito pala ang pakiramdam ang magsuot ng wedding gown sa sarili mong kasal.” Tumingin sa akin si Tita Solen. “Ilang beses ka ng naging modelo ng mga wedding gown, pero ito ang pinaka magandang wedding gown na sinuot mo.” Ngumiti ako. “Halata ba ang tiyan ko?” Umiling siya. “Parang hindi ka nga buntis.” “Ready na ako.” “Mabuti naman at baka umiyak na ang groom mo,” biro niya. Hindi ko napigilan hindi ngumiti nang maalala ko si Drake. Parang siya ang mas excited sa kasal naming dalawa dahil hindi siya halos nakatulog kagabi. “Ti

