“I miss you so much, Honey.” Hindi ko napigilan ang ngumiti matapos kong mabasa ang text sa akin ni Dylan gamit ang ibang numero. Hindi ako nakatiis. Tinawagan ko siya para makausap. Hindi niya ako ihahatid ngayon pauwi sa bahay dahil may biglaan siyang meeting pero okay lang, nandyan naman ang mga tauhan niya para ihatid ako sa bahay. “Hello, Honey,” boses ni Dylan.” “Nasaan ka ngayon?” “Nasa puso mo.” Tumawa ako. “Puro ka talaga kalokohan.” “I miss you so much.” “Miss mo na agad ako ngayon pa lang tayo hindi nagkita.” “Bawat araw na hindi tayo magkasama ay nami-miss ko.” “Pumunta ka na lang sa bahay bukas para makita mo ang anak natin.” “Anak?” “I mean si Dale.” Bigla kong naalala na hindi pala si Drake ang kausap ko. “Gusto ko na nga siyang makita at makasama.” “Siguradong

