“What’s wrong with my face?” Nakaangat ang kanang kilay na tanong sa akin ni Drake. Nakahiga kaming dalawa sa kama habang magkayakap. Sinulit namin nang pumunta si Dale sa kuwarto ni Sevie. Gusto ni Dale na laging kasama ang daddy niya kaya hindi maka-score si Drake. “Iniisip ko lang na baka ibang lalaki na ang kasiping ko, baka si Agila na pala.” Sumimangot siya. “Alam mo ang pagkakaiba naming dalawa.” Tumango ako. “Pero paano ko malalaman ang pagkakaiba n’yo sa malayo?” “Easy, 'wag kang umalis sa tabi ko.” “Alam mong hindi puwedeng habang buhay nakakulong kami rito sa mansyon. May mga bagay kaming kailangan gawin.” Bumuntong-hininga siya. “I need to end this war.” “Kailangan mong maalala ang lahat para matapos na. Hindi titigil si Agila sa pagpapanggap bilang ikaw kung hindi baba

