“Mom, where are we going?” tanong ni Dale sa akin. Papunta kami sa mansyon ni Drake. Kasama ang kapatid at hipag ko. Gustong makasigurado ni Dylan na hindi madadamay ang pamilya ko sa mga taong nagtatangka ng masama sa amin. “Dale, hindi ba’t gusto mo laging kasama ang Daddy Dylan mo?” Tumango siya. “Yes, Mommy.” “Simula ngayon lagi mo na siyang makakasama dahil sa bahay niya tayo maninirahan.” Lumapad ang ngiti ni Dale. “Yehey!” Tuwang-tuwa siya. “Ate Steffie, may sasabihin pala kami ni Mildred sa iyo mamaya,” wika ni Sevie. “Hindi mo ba puwedeng sabihin sa akin ngayon?” Tumango siya. “Mamaya na lang kapag nakarating na tayo sa mansyon.” “Okay, ikaw ang bahala.” “Medyo malayo pala sa Manila ang mansyon ni Kuya Dylan.” Tumango ako. “Yes, ang sabi nga niya sumakay na lang daw t

