It felt like a deja vu. Kung paano ako nakatayo ngayon sa labas ng kumpanya namin at nakatitig sa gusali. I could feel the same heartbeat, I had years ago. The nervousness and amazement. I breathed in and out. Isang beses kong tiningnan ang sarili ko bago nagpasya na lumakad. Hindi ko maipagkakaila na mas dumoble ang kaba ko nang pumasok ako ng kumpanya. Nasa bahay pa lamang ay pinaghandaan ko na ang mapanuring tingin ng mga empleyado kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko nang puros gulat lamang ang nakita ko sa mga reaksyon nila. Some of the employees are still familiar to me. May ilan na hindi ko kilala marahil ay pumasok sila noong wala na ako. I tried to plaster a small smile on my lips. "Good morning," I greeted formally. Mabilis na bumalik sa kani-kanilang wisyo ang mga emple