"Are my babies behaving while Mommy is away?" malambing na tanong ko sa mga anak ko habang nakaupo kami sa kusina—naghahanda sa pagkain. Nasa pagitan ako ng kambal. Sa kaliwa ko naroon si Gio habang sa kanan ko naman napuwesto si Gia. Pareho silang marunong kumain mag-isa kaya naman hindi na ako masyadong namomroblema pagdating sa pagpapakain. "Opo," sabay na sagot nila sa slang na Tagalog. Natigilan ako ng ilang segundo sa pagta-Tagalog nila. Simula nang lumaki ang kambal at natutong magsalita, kailanman ay hindi ko sila narining ng gano'n. Kahit pa paminsan-minsan ko silang kinakausap sa Tagalog na lenggwahe ay panay ang Ingles nila sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasan na magulat, idagdag na rin ang bigla kong pagkaalala sa isang tao. Pilit akong ngumiti sa mga anak ko at saka tini