56 – The Next Step Lorraine’s Point of View Napangiwi na lang ako nang magising ako kinabukasan dahil sa labis na sakit ng aking balakang. Maging ang mga binti ko ay hindi ko maigalaw nang maayos. Thadeus is no longer with me. Pinalabas ko siya kagabi kahit pa gusto niya akong makatabing matulog. I can’t let anyone see us lying on the bed together. Not yet. Dahan-dahan akong bumangon dahil ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ko alam kung magagawa ko bang maglakad nang maayos sa lagay kong ‘to. Sinubukan ko pang mag-stretching pero napangiwi na lang ako sa labis na sakit na naramdaman. Huminga ako nang malalim at inayos ang aking buhok at nagtanggal ng muta dahil lalabas ako at pupunta sa kwarto ni Jen dahil alam kong nandoon si Eros. Hindi ko mapigilang ma-guilty dahil hindi ko na n