57 – Unexpected Turns Lorraine’s Point of View Naghahanda na kami para umuwi. Nasa lobby na kami ng hotel at hinihintay na lang namin si Eros at Thadeus. Pinuntahan kasi ni Eros si Thadeus kaninang umaga para kumbinsihin na huwag na muna kaming umuwi; na kung pwede ay mag-stay pa kami nang mas matagal kahit na makailang beses ko nang ipinaliwanag sa kanya na hindi pwede. He seemed to have grown attached to this place. Well, sino ba namang hindi kung ganito kaganda rito? “Sis, pansin ko lang, parang iwas si Joseph sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Jen sa akin. Magkatabi kasi kaming dalawa sa lobby habang si Joseph ay medyo malayo. “Kahapon ko pa pansin na parang hindi siya lumalapit at nakikisama. May nangyari ba?” Umiling ako sa kanya at umaktong walang kahit na anong ideya sa kung anon