58 – His Past Lorraine’s Point of View Pinagmasdan ko ang mukha ni Eros habang mahimbing itong natutulog. Dinig na dinig ko ang mumunting hilik niya. Mukhang sa aming lahat, siya talaga ang pinakapagod. Ayaw ko na sana siyang gisingin kanina, pero kailangan lalo na’t hindi pa ito naghahapunan at nakakapaghugas ng katawan. Hinalikan ko ito sa noo bago ako bumangon at sinilip si Thadeus na kanina pa nasa labas ng penthouse. Nakaupo siya gilid ng pool, umiinom ng alak habang nakalublob ang dalawang paa sa tubig. Ayaw ko mang isipin na tungkol ito kay Maeve, pero ‘yon agad ang unang pumasok sa akin. He has been in a really good mood earlier. Kay tamis pa ng mga ngiti niya, pero nagbago bigla ang mood niya mula nang makasalubong namin si Maeve. His ex-girlfriend. Naikuyom ko ang kamay ko