49 – Confusion Lorraine’s Point of View “Anak, be careful next time, okay?” nag-aalalang sabi ko habang nakatingin sa mga pasa niya. “Ilang beses nang sinabi ni Mommy na ‘wag kang masyadong malikot kasi mabilis ka lang nasusugatan at nagkakapasa,” paalala ko sa kanya. Ganito na kasi siya noon pa. Napakasensitive ng balat. Balat mayaman. “But it doesn’t hurt naman, mommy,” pagrarason niya pa. Sigurado akong nakuha niya sa amusement park ang mga pasang ‘yon dahil sa labis na kalikutan niya. Ganito na kasi siya noon pa. I think he was three years old when I noticed it. Liban sa mabilis siyang magkapasa, mabilis din siyang magalusan at magkasugat, kaya ingat na ingat ako sa kanya. Siguro ‘yon din ang rason kung bakit hindi ko siya nadala sa mga amusement park kahit isang beses man lang.