50 – A Family Trip? Lorraine’s Point of View “What did you tell your Tita Jen?” tanong ko kay Eros nang ibalik niya sa akin ang cellphone ko. Hiniram niya kasi ito dahil gusto niyang tawagan sina Jen. Ngumisi siya sa akin. “I told them na magsama sa atin sa beach.” “You, what?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa labis na gulat. Agad akong napatingin kay Thadeus sa living room na kasalukuyang kaharap ang laptop niya para ituloy ang trabaho niya. Dahil sa ingay namin ay napatingin na rin sa amin ang lalaki. “Why?” Mabilis na lumapit sa kanya si Eros at kumandong sa hita niya. “Daddy, I invited Tita Jen and Tito Daddy to go with us sa beach,” nakangiting sabi nito. “Thadeus, look, kakausapin ko na lang sina Jen na ‘w—” “It’s fine,” putol niya sa sinasabi ko. “If that