SPECIAL CHAPTER 01 Jen’s Point of View Hindi ko mapigilang maiyak habang nakatingin sa best friend ko na naglalakad papunta sa altar. Deserve na deserve niya ang moment na ‘to dahil sa dami ng pinagdaanan niya. Saksi ako kung paano niya iginapang ang buhay; kung paano siya halos humalik sa lupa mapalaki lang nang maayos si Eros. Sa totoo lang, kayang-kaya niyang palakihin ang anak niya kahit wala ang tulong mula sa papa ni Thadeus. At susuportahan ko rin siya kahit hindi ako binayaran ni Mr. Demetrioff. Kaibigan ko siya, eh. Higit pa nga roon. Para ko na siyang kapatid. Nakita na namin ang isa’t isa sa pinakamadilim at pinakamababang yugto ng mga buhay namin. Hindi pa man nagsisimula ang kasal ay iyak na ako nang iyak. Hulas na hulas na ang make up ko pero wala akong pakialam. Buong