64 – The Last Ray Lorraine’s Point of View Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. These past few days have been a mixture of sweetness and worries. Masaya ako dahil dama kong palapit nang palapit ang loob namin ni Thadeus sa isa’t isa, pero hindi rin ako mapakali dahil alam kong may nangyari talaga kay Jen na hindi ko alam. Nang bisitahin ko siya ulit ay mas lumala pa ang pananamlay niya at ang itim sa palibot ng kanyang mga mata. Napag-alaman ko rin na hindi na siya nagbubukas ng cake shop niya. Pero kapag tinatanong ko naman siya kung anong problema, hindi naman niya sinasabi. Kahit anong pangungumbinsi ko sa kanya ay hindi siya nag-o-open up, and I can’t help but worry about her. Tungkol naman kay Joseph, wala na akong balita sa kanya. The last time I saw him was the night I