65 – The Shattering Truth Lorraine’s Point of View “Thad, puntahan ko muna si Jen, ha?” paalam ko kay Thadeus nang makarating ako sa living room kung saan sila nanonood ng TV ni Eros. “Pwede bang pakibantayan mo muna si Eros? Mabilis lang ako, promise. Babalik din ako bago dumating ang maghahakot ng mga gamit,” dagdag ko pa habang sinusuklay ang buhok ko. Ngayong araw kasi kami lilipat ng bahay. At dahil naging abala kami sa paghahanda nitong mga nagdaang araw ay hindi na ako nakapagpaalam kay Jen. Hindi ko na rin siya nabibisita. Sa tawag lang kami nagkakausap at sa tono ng boses niya, pakiramdam ko’y may problema talaga siya. Mas lalo pa akong nag-alala nang hindi siya sumagot sa mga tawag ko simula pa kagabi. “Sure ka bang ayaw mong ihatid kita?” tanong niyang muli sa akin. “Hindi