UTB— 54

1217 Words

Tahimik lang ako habang kumakain kami. Katabi ko si Kyle na hindi mabitaw-bitawan ang aking kamay. Madalas ding magtama ang aming mga tinginan at mapapangiti na lang sa isa't isa. Ngunit ang mga ngiti ko ay walang buhay dahil hanggang ngayon ay naiiyak pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Wala pang alam sina Nanay at Ate kaya pinipilit kong huwag magdrama lalo na at mukhang ayaw naman ni Kyle na malaman nila. Pagkatapos kumain, nagpunta kaming dalawa sa labas upang magpahangin. Nakaupo kami sa sun lounger na dalawa. Pinagkasya namin ang sarili namin dito. Nakasandal ako sa kaniyang dibdib habang yakap naman niya ako. Hindi pa din ako nagsasalita. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. "Hindi ka naman nagsasalita. Gusto mo na bang umuwi ako?" Gusto kong dito lang muna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD