"May sakit yata ang mother in law mo." Nakanguso kong tiningnan si Ate. "Bisitahin mo kung may oras ka pa mamaya." "Nahihiya ako, Ate." "Meron ka ba n'on?" "Syempre meron naman." "Puntahan mo lang naman, matutuwa iyon." "Subukan ko, kung hindi ako pangunahan mamaya ng kaba." May work ako ngayon. Hindi naman maghapon kaya kung gugustuhin ko puwede kong dalawin ang mommy ni Kyle. Ano ba ang dapat kong dalhin? Wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa kaniya. Mamaya ko na nga lang isipin. Kasama ko si Sunny ngayon pero hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari sa bahay kahapon. Para kasi siyang wala sa sarili kaya hinayaan ko na lang muna. Wala pa namang engagement party na magaganap at wala pang kasal na mangyayari kaya hayaan hindi ko na muna sasabihin. After ng work nagpunta