Walong araw na ako dito sa abroad. Walong araw na din akong nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin pagbalik ko ng Pinas. Medyo magulo na naman ang isip ko pero one thing is for sure, gustong-gusto kong bigyan ng chance si Kyle. Walang sumalubong sa akin pag-uwi ko kaya nangontrata na lang ako ng taxi. Nag-text ako kay Ate na nakasakay na ako. Nag-reply siya na naghihintay na sila sa bahay. Napakunot naman ang noo ko sa reply niya kasi parang iba ang dating nito, pero binalewala ko na lang. Habang nasa biyahe ay biglang sumagi sa aking isipan si Kyle. Kumusta na kaya ang lalakeng iyon? Tiningnan ko ang aking celphone at pinigilan ang sarili na i-text siya. Mamayang gabi o bukas ko na lang siya i-text. Gusto ko munang magpahinga. Masakit ang likod ko. Nang huminto ang sasakyan sa