Napagod ako sa maghapon na paglilibot kaya maaga akong natulog. Hindi ako sumama sa ilang mga turista na planong magpunta sa bar ngayon para i-try ang mga bar dito. Hangga't maari iiwasan ko ang mag-inom dito at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. At isa pa, hindi naman kasama ang panginginom ang pinunta ko rito. Isang linggo mahigit na ako rito. And I can say that this travel was so worth it. Parang gusto ko tuloy na mag-travel at mag-travel na lang. Nag-send ako ng voice message kina Nanay at Ate bago ako natulog. Ganito ang ginagawa ko mula paggising sa umaga, during lunch time at sa gabi kapag magpapahinga na. Just want to assure them that I am doing fine here. Hindi na sila nag-re-reply kapag ganoon. Gusto lang nila ng update ko. After four days lumipad ulit ako sa ibang