Alam niya kung paano magkontrol at ginawa niya iyon kahit pa alam niya na bibigay ako kapag bumaba na ang kaniyang mga labi pababa sa aking katawan. Mabilis siyang bumangon at bumaba sa aking kama. Hinalikan niya ang aking noo bago siya lumabas ng aking silid. Dahil sa pagod nakatulog din ako agad at umaga na ng magising ako. Another busy day again. Trabaho at the same time preparation para sa pag-alis ko ng bansa in two days. Dalawang maleta ang plano kong dalhin para sa bakasyon ko. Matagal akong mawawala. Three weeks to one month or baka madagdagan pa kapag nakapag-isip-isip ako. Alas-sais na ng matapos ako sa trabaho. At bago ako sumakay sa sasakyan ay una kong ch-in-eck ang aking phone. Madaming mga messages si Kyle. Inaaya niya akong manood ng sine. Pagod na pagod na ang