Kahit puyat ay magaan ang pakiramdam ko na gumising kinaumagahan. Nag-planking ako ng three minutes bago ako naligo. Hindi nagpunta ngayon sa bahay si Kyle dahil may meeting siya with an investor over breakfast. Kaya ang mga tao sa bahay ay nagtatanong kung bakit hindi nagpunta ang lalake. Nasanay na sila rito. Sinabi ko na tumigil na ito sa panliligaw para lumungkot sila. Nakangisi tuloy akong umalis. Pagod na pagod ako sa araw na 'to. Two pm na nga nang kumain kami. Ito pa lang ang unang kain ko sa buong araw. At hindi pa rito matatapos ang trabaho ko dahil may ilang engagement pa ako hanggang alas-singko ng hapon. Para akong lantang gulay nang sumapit na ang oras ng uwian. Ngayon ko pa lang naisipan na tingnan ang aking celphone at tambak na nga ang mensahe mula kay Kyle.