Nagsuot ako ng simpleng dress at stilletos. Tinaas ko lang ang buhok ko at nag-apply ng manipis na make up. Umakyat na din si Kyle dito sa kuwarto upang magbihis. Titig na titig siya sa akin habang nagwiwisik ako ng pabango. "What?" natatawang tanong ko dahil nakakawindang na ang paninitig niya. "Ang ganda mo." Tumatawa akong lumapit sa kaniya upang yakapin siya sandali. Lumayo din ako agad sa kaniya nang akmang hahalikan niya ako. Baka mamaya mag-quickie na naman kami magulo pa ang ayos ko. "Let's go. Your mom is waiting." Sumabay na kami sa sasakyan ni Mommy. Kasama niya ang driver niya ngayon. Ito na lang din ang maghahatid sa amin mamaya at si Mommy naman ay sasabay na kay Daddy. Sa isang restaurant ng kaniyang amiga ang napili naming kainan. She reserved a private room for