Galing kami ni Kyle sa ibang bansa, nagbakasyon kami ng sampung araw, kaya naman nang bumalik kami ng Pinas ay tambak na agad ang kaniyang trabaho. Dumiretso siya sa opisina habang ako naman ay umuwi ng bahay. Nakipagkuwentuhan ako kina Ate at Nanay. Nakipagharutan sa mga pamangkin at nagbilin sa mga staffs ko. Malakas pa din ang sales ng aking mga products. Kumikita din ang mga videos ko at ilang affiliate shop ko. Hindi din ako magtatagal dito sa bahay, uuwi din ako agad dahil pauwi na din si Kyle maya-maya. Pipirma lang siya ng mga dokumento at a-attend ng two hours meeting. Kinuha ko ang diary ko at iyong binder ko na naglalaman ng aking kahibangan nang bata pa ako. It's for our wedding. Pero bukas ko na 'to idi-discuss kay Kyle, pagkatapos ng aking appointment sa aking OB. "