Para hindi ko maisip ang patungkol sa problema ko tungkol sa pagpapakasal, tinuon ko na lang ang aking panahon para mag-isip ng magagandang content. Something na magpapabango ng aking image. Anything. Well, welcome to social media! Kailangan sunod ka sa trending o kaya naman ikaw ang magpapauso ng isang trend. Hapon na ng matapos ako sa paglilista. Naligo ako at nag-ayos upang makapagsimula na sa aking live. Nag-announce ako kanina at masaya ako dahil dinumog ng real supporters ang aking comment section. Kulang isang oras din ang tinagal ng aking live, nag-unbox ako ng gifts and at the same time nakipagkuwentuhan din ako sa mga fans. Hindi ko nasagot ang lahat ng mga tanong at comments kaya naman nangako ako na I'll be doing it again. Nag-announce ako ng raffle and give aways aft