Naiiyak ako habang nakatingin kay Ate at hinihintay na sagutin ni Kyle ang tawag niya. Huwag mong sagutin, ito ang pipi kong dasal. Sa unang pagtawag ni Ate hindi nga ito sumagot. "Baka busy siya," sabi ko para hindi na ulit subukan pang tawagan ni Ate si Kyle. Baka busy talaga ito. Sige lang, magtrabaho ka lang diyan, huwag mo ng sagutin. "Hello, Janina..." Para akong hihimatayin nang sumagot ang lalake. "Busy ka?" tanong ni Ate. Sana sumagot si Kyle na oo. At sana huwag din sabihin agad ni Ate ang dahilan kung bakit niya ito tinawagan. "Why?" "Busy ka ba?" ulit ni Ate sa kaniyang tanong. "Nag-iimpake ako ngayon. Aalis ako ng bansa." What? Akala ko hindi na siya ulit aalis? Parang nadismaya ako. Hindi ko din maintindihan ang aking sarili. "Oh. Aalis ka na ulit ng Pinas?"