Mabigat ang aking talukap pero pinilit kong idilat ang aking mga mata dahil naririnig ko ang boses nina Nanay at Ate. Hindi ba't nasa bahay ako ni Kyle? "Nasaan ako?" tanong ko at muling pinikit ang aking mga mata dahil nasilaw ako sa liwanag ng ilaw dito sa silid na kinaroroonan ko. "Nawalan ka ng malay. Dinala ka ni Kyle dito sa ospital," sagot naman ni Ate. Hinahaplos niya ang aking buhok. "Dinugo ka." "Hindi maayos ang regla ko," nanghihina kong sagot. "Ano'ng regla? Buntis ka!" Nagising na ng tuluyan ang aking diwa sa narinig kong sinabi ni Ate. "B-Buntis?" utal at hindi makapaniwalang tanong ko habang titig na titig kina Ate at Nanay. "Hindi mo alam?" Umiling ako. "Pina-prank niyo ba ako? Hindi ako buntis dahil sabi ng ob-gyn ko baog ako." "Hindi ka baog. Buntis ka.