"Tita, akala ko break na kayo ni Tito Kyle?" Ito ang tanong ng isa sa kambal sa akin. Di ba, napakatsismoso talaga. "Mag-nap na kayo," singit naman ni Ate. Wala kaming plano na sagutin ang tanong ng bata, except kay Kyle na hindi matanggap na iyon ang alam ng mga pamangkin ko. "Hindi kami maghihiwalay. Actually buntis ang tita Yonah niyo." "Wow! Gumawa kayo ng bata sa room?" Napangiwi kaming lahat. Ba't ba napakaagang ma-expose ng mga bata sa ganitong bagay? "Matulog na kayo, isa..." bilang ni Ate. "Kakain pa kami nang fruit salad, mommy!" Nag-unahan na silang tumakbo papuntang kusina. "Magpahinga na muna kayo. Huwag ka munang magkikilos, Jonah," bilin ni Nanay. Nahihilo na naman ako kaya gusto ko na ding mahiga. Hinayaan kong buhatin ako ni Kyle hanggang sa aking kuwarto.