Nagsimula nga ako sa trabaho kinabukasan at nagulat pa ako dahil may pa-surprise welcome back pa sila sa akin. Ang sabi sa akin ni Karen ay si Jacob daw ang may pakana nanag lahat ng 'yon at inutos lang sa kaniya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pagkatuwa dahil nga kahit na nasa trabaho kaming dalawa ni Jacob ay talagang hindi niya hinahayaan na hindi ako i-surprise kahit na ganito lang kasimple. Naghanda si Karen ng mga lobo roon at nag-order sila ng mga pagkain kaya imbis na magtrabaho kami sa umagang 'yon ay nagkainan at nagkwentuhan muna kami roon. Binigay ko sa kanila ang oras na 'yon dahil namiss ko naman talaga silang lahat dahil halos mag-iisang buwan na rin simula nang hindi ako napasok dito. "Sobra kaming nag-alala sa'yo Ma'am no'ng nalaman naming nabaril ka," sabi ni