Sa linggong 'yon ay nag-shopping lang kaming tatlong magkakapatid kasama si Caleb at marami rin kaming nabili dahil sa tagal na rin namin na hindi nakakapag-shopping na tatlo. Tuwang-tuwa naman si Caleb dahil nakasama siya sa amin at talagang sa akin siya nakakapit kaysa sa Mommy niya. "Magpapabili nang magpapabili 'yan sa'yo," sabi ni Ate sa akin habang naglalakad kami sa mall. "It's okay. Ibibili ko lahat ng gusto niya," sabi ko habang nakangiti pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Napailing na lang siya at pamayamaya ay agad na namang kumapit sa akin si Caleb. Habang namimili naman kami ng mga damit naming tatlo ay iniwanan muna namin si Caleb sa play house kasama ang bodyguard nila Ate at ang driver na kasama namin dahil siguradong mababagot iyon kakasunod sa aming tatlo. "Kumusta ka