"Aria, come on! Minsan lang 'to at kakain lang naman tayo sa labas. Kauuwi mo lang tapos magkukulong ka diyan? My gosh!" sunod-sunod na reklamo sa akin ni Claudia.
Kanina pa niya ako pinipilit na lumabas kasama siya at ang mga dati naming barkada noong college. Alam kong siya ang nag-imbita sa mga 'yon dahil nang nasa New York pa kami ay siya ang excited na makita at makasama muli ang mga barkada.
"Paano nga ako aalis, Claudia? Baliw ka ba? Nakita mo naman na sa akin nga pinaiwan si Caleb," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napairap kahit hindi naman niya iyon nakikita.
Kakagising lang ni Caleb dahil nakatulog siya kanina pagkatapos naming maglaro at sigurado akong napagod siya.
"Nagfi-feeling nanay ka na naman sa anak ni Nikolai?! Uy huwag ka ng umasa gaga!" maarteng sabi niya pagkatapos ay humalakhak sa kabilang linya para asarin ako.
"Shut up! Of course not! Bakit ako magfi-feeling kung kaya ko naman magkaroon ng sarili ko?!" mayabang na sabi ko sa kaniya.
Muli na naman siyang napahagalpak ng tawa kaya napailing na lang ako at muling napairap dahil sa kabaliwan niya.
"Tonta! Paano ka magkakaroon e, wala ka namang jowa? Kung maririnig lang 'to ni Noah sigurado akong kawawa ka na naman," natatawang sabi niya at hindi pa rin tumigil sa pang-aasar sa akin.
Napangisi na lang ako dahil kapag nalaman niyang engaged na ako ay sigurado akong parehas sila ni Noah ay magugulat.
"Edi kay Nikolai! Kay Nikolai, magpapa-anak ako sa kaniya-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay hindi ko na napigilang matawa nang marinig ko ang mga malulutong na mura ni Claudia.
Akala niya siguro ay siya lang ang marunong mang-inis kaya kahit gusto kong tumawa nang tumawa ay pinigilan ko na lang sarili ko para marinig ang susunod niyang sasabihin.
"Tang*na mo Aria, kaya ka ba umuwi at gan'yan ang plano mo?! You b*tch!" sunod-sunod na sabi niya gamit ang mga malulutong na mura kaya hindi ko na napigilan ang mas malakas kong pagtawa.
"Stop laughing! Hindi mo ako madadaan sa patawa-tawa mo! Gumayak ka na at hihintayin ka namin doon!" dagdag na sabi niya at pinagmadali pa akong gumayak kahit hindi pa ako pumapayag.
Gandahan mo ang isusuot mo ha. Marami kang fans doon dahil nag-post ako at naka-tag ka," muli niyang sabi pagkatapos ay siya naman ngayon ang natawa.
"Boba paano nga?! Sa akin pinabantayan ang una na apo," reklamo ko sa kaniya pagkatapos ay napangisi dahil gusto ko ulit siyang asarin.
"Huh? Bakit may sumunod na bang apo?" nagtatakang tanong niya kaya pinigilan ko na naman ang nagbabadyang pagtawa ako.
Claudia is indeed beautiful, kaya lang ay medyo may pagkatanga lang minsan lalo na sa mga biro namin ni Noah dahil hindi niya kaagad iyon nakukuha.
"Meron ng susunod na apo at 'yon ang magiging anak namin ni Nikolai," pagbibiro na sabi ko at bahagyang hininaan ang boses dahil baka marinig ako ng mga kasambahay namin.
Nakakahiya dahil baka isipin pa nila na gusto kong maging ni Nikolai!
"F*ck you Aria! Isama mo na lang 'yang bata at kakain lang naman tayo! Tigilan mo na 'yang kahibangan mo at may problema ka pa sa New York!" sunod-sunod na sermon sa akin ni Claudia.
Hindi ko naman alam kung ilang minuto kaming nagtalo dalawang magkaibigan hanggang sa wala na akong nagawa at pumayag na lang na sasama sa kanila. Tuwang-tuwa ang gaga kong kaibigan na para bang hindi kami nagkita ng ilang taon nang sa wakas ay pumayag ako.
Nag-text na rin ako kay Mommy at nagpaalam na isasama ko na lang si Caleb sa pag-alis namin ni Claudia. Wala naman naging problema iyon at sinabi niyang siya na lang mismo ang magpapaalam no'n kay Ate.
"Where we are going, Tata?" tanong ni Caleb habang inaayos ko ang damit niyang dadalhin ko.
Nagpatulong ako sa ilang kasambahay doon na bihisan siya kaya maayos ang pormahan ng pamangkin ko ngayon. Nagpakuha lang ako sa kasambahay ng damit niya dahil ayokong pasukin ang kwarto nila Ate.
Napatingin naman ako sa inosenteng bata na nakatingala sa akin at hindi ko talaga maiwasang hindi makita sa kaniya si Nikolai dahil magkamukhang-magkamukha silang dalawa lalo na kapag tinignan mo ang mga mata nito.
"We're going to the mall. You want that rght?" sagot ko sa kaniya at hindi napigilan ang sarili na mapapisil sa matabang pisngi nito.
"You will buy me a toys?" nabubulol na tanong niya.
Natawa naman ako at napatango bilang sagot sa kaniya.
"Yes baby but we're going to eat first with my friends okay? And after that I'll buy all the toys you want, 'kay?" paliwanag ko sa kaniya at bahagyang tinapik ang ulo niya.
Napangiti naman siya at tumalon-talon dahil sa tuwa kaya hindi ko rin mapigilang mapangiti habang pinapanood ang naging reaksyon niya. Hindi rin naman siya mahirap pagsabihan at nakukuha niya kaagad ang sinasabi sa kaniya kaya alam kong hindi ako mahihirapan sa kaniya.
I just wear white tube and red blazer for my top at sa bottom naman ay ripped jeans at white sneakers lang para mas komportable akong gumalaw lalo na at may kasama akong bata. Nagpahatid kami sa driver at may nakatagong bodyguards na alam kong nakasunod lang din sa amin dahil mahirap na. Kasama ko si Caleb at gusto kong secured siya sa akin.
Nag-shades din ako at nang makapasok kami sa mall ay wala rin naging silbi ang shades na suot ko dahil may iilan agad na lumapit sa akin. Mas hinigpitan ko tuloy ang hawak kay Caleb at bahagya na lang napayuko.
Ito ang bilin sa akin ni Ate Sofie bago ako umuwi ng Pilipinas. Pinag-iingat niya ako sa mga fans dahil ibang-iba ang mga fans ko sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.
"Ariana!"
"Si Ariana nga. Totoo pa lang umuwi siya,"
"Pa-picture tayo!"
Iyon ang mga naririnig ko hanggang sa unti-unti nang dumama ang lumalapit sa amin. Hindi ko alam kung tama lang ba ang paglabas ko ngayon dahil hindi ko naman alam na makikilala ako ng mga tao rito!
"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ng isang bodyguard na agad lumapit sa amin.
"Hi baby!"
"Anak niya? May anak na pala siya?"
Napakagat ako sa labi ko nang mapansin nila ang batang kasama ko kaya itinago ko si Caleb sa likod ko.
"Layuan niyo na lang po sila muna. Pasensya na," sabi ng mga bodyguards doon at pilit kaming hinarangan mula sa mga tao.
"Pa-picture lang po. Please!" sigaw ng isang babae roon.
May limang batang babae ang agad na nakalapit sa amin at halos magtulakan sila roon kaya medyo napaatras ako.
"It's okay. Sige na. Pakihawak na lang muna si Caleb," sabi ko sa mga bodyguards at isa naman ang agad na humawak sa batang kasama ki.
"Grabe ang ganda mo po talaga!" natutuwang sabi ng isang bata.
"Mabilis lang ha? May bata kasi akong kasama," nakangiting sabi ko sa kanila.
Maraming tuwang-tuwa na nakita ako roon at hindi ko rin mapigilang matuwa kahit papaano dahil may mga nagmamahal at sumusuporta rin pala sa akin dito sa Pilipinas. Ang alam ko lang naman ay sa ibang bansa lang ako sikat.
Mabuti na lang din talaga ay sinunod ko ang payo sa akin ni Ate Sofie dahil tama nga siya na dudumugin ako rito lalo na at nakikita ng maraming tao na nakakasama ko si Jayson sa ibang bansa. Marami na rin naman akong nakakasamang artista na galing dito sa Pilipinas na dumadalaw o nagbabaksyon sa ibang bansa kaya nakakasama ako sa mga posts nila sa social media.
Tanging ngiti at tawa lang ang ibinibigay ko sa kanila kapag magpipicture dahil nag-aalala na rin ako sa batang kasama. Baka kasi mainip ito at umiyak pa.
"Thank you po! Ang ganda niyo po pala talaga!" natutuwang sabi sa akin nang isang babae pagkatapos naming kuhanan ng picture.
"Oo nga po! Anak niyo po? Ang cute!" sabi naman ng isa pang babae.
Napailing naman ako at napatingin kay Caleb na nakatingin sa kawalan at walang pakiealam sa mga tao.
"He's my nephew. My sister's son," nakangiting sagot ko.
"Excuse me. Mauna na muna kami dahil baka nagugutom na siya," paalam ko at muling ngumiti bago kumaway sa kanila.
May iilan pang lumapit sa akin pero hindi ko na napagbigyan dahil mas inaalala ko ang pamangkin ko ngayon. Mabuti na lang ay naintindihan naman ako ng karamihan kaya hindi na nila kinailangan pang mangulit sa akin.
"Grabe! Presenting our supermodel friend!" tuwang-tuwa na sabi ni Claudia nang salubungin niya kami ni Caleb.
Napairap naman ako sa kaniya dahil kagagawan niya ang mga nangyari sa labas.
"Hindi ka na nagparamdam sa amin simula noon ha? May balak ka pa lang maging model!" inirapan naman ako ni Maureen na isa sa mga kaibigan namin.
Lima kaming naroon dahil wala pa ang iba. Si Claudia, Maureen, Liza, Pauleen at ako. Hindi rin naman nakatakas sa akin ang mga tingin nila sa batang kasama ko.
"A-anak niyo ni Nikolai?" tanong ni Liza.
Natawa naman agad ako sa tanong kaya mabilis akong umiling. Kita ko ang pagtakip ni Claudia sa bibig niya at alam kong natatawa na rin siya. Umupo muna ako sa isang upuan at inupo ko rin doon ang tahimik na si Caleb na isa-isang tinitignan ang mga kaibigan ko. Nilaro naman kaagad siya ni Claudia at tuwang-tuwa si gaga dahil hindi na siya sinusungitan nito.
"She looks like Nikolai nga! Itinago mo ba sa lahat na may anak na kayo?" si Pauleen naman ngayon ang nagtanong.
"That's my Daddy," agad na sabi ni Caleb kaya bahagya akong napangiwi dahil siguro naririnig niya na pinag-uusapan namin ang daddy niya.
"Oh my gosh! Edi sana naging ninang niya ako?!" gulat na tanong ni Maureen.
Napangisi ako at muling napailing sa kanilang tatlo.
"Anak siya ni Nikolai," sagot ko at nagkibit ng balikat.
Halos bilang lang sa daliri ang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Nikolai at hindi ko rin alam kung bakit ba sa limang taon na lumipas ay hindi nila iyon natunugan lalo na at ikinasal pa si Ate at Nikolai. Hindi ko na rin naman pinaalam sa kanila dahil alam kong kapag mas maraming tao ang nakakaalam ay mas lalo lang din akong masasaktan.
"Huh?! Edi anak niyo nga? Nagkabalikan kayo? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong ni Liza.
"Masyado kang showbiz sa life ha!" sabi sa akin ni Pauleen pagkatapos ay inirapan ako.
Tahimik lang naman si Claudia na nilalaro ang pamangkin ko kaya nagkibit balikat na lang ako sa mga kasama. Ang alam lang nila ay naghiwalay kami ni Nikolai at hindi nila alam ang totoong dahilan nito.
Matagal na panahon na rin naman ang lumipas kay ito na rin siguro ang tamang oras para ipaalam sa kanila ang kaonting detalye na nangyari sa amin ni Nikolai.
"No. Anak siya ni Nikolai at ni Ate," agad kong sabi at nagkibit ng balikat bago bahagyang natawa.
"Huh?!"
"What?!"
"Paano nangyari 'yon?"
Sunod-sunod nilang tanong.
"Tata I'm hungry,"
Agad akong napabaling sa batang kasama ko at nakita ko naman ang pagkibit ng balikat ni Claudia.
"Let's eat first okay? I'll tell about the whole story. Nagugutom na ang alaga ko," sabi ko sa kanila at bahagyang natawa bago tumayo para kuhanan ng pagkain si Caleb.
Wala na rin naman silang nagawa kung hindi kumuha na rin ng pagkain. Kanin at ulam muna ang kinuha ko para sa bata at mamaya na lang ang dessert pagkatapos.
Habang kumakain naman ay tsaka ko lang sa kanila ikinwento lalo na nang dumating pa ang iba naming mga kasama.
"Buti nakayanan mo?" tanong ni Liza.
Nagkibit naman ako ng balikat at para bang nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay nasabi ko na rin ang matagal ko nang itinatago at sinasariling pangyayari.
"Hindi rin naman naging madali sa akin. Kaya nga umalis ako ng Pilipinas nang ilang taon," sagot ko at muling nagkibit ng balikat.
"And you're back now so does that mean you already moved on?" tanong naman ni Maureen.
"Yeah, I think?" natatawang sagot ko.
"So you still didn't?" si Ella na kanina lang din dumating.
Tingin ko ay naka-moved on naman na ako dahil nawala na rin naman sa isip ko 'yon nang naging busy ako sa trabaho. Iyon nga lang ay syempre hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan ng kahit kaonti.
"I've moved on," tipid na sagot ko.
"Sabagay, kung ako rin ang nasa sitwasyon mo baka hindi lang limang taon!" napapailing na sabi ni Pauleen.
"You are strong and independent woman! Gosh hindi ko kaya 'yan!" bilib na sabi ni Joana na ngayon lang din nagsalita. .
Marami pa kaming napag-usapan at napunta rin ang usapan namin sa pangloloko ko kay Claudia tungkol sa binabalak ko kay Nikolai. Sa huli ay nagpasya nang maghiwa-hiwalay dahil nga may kasama akong bata at kailangan na rin namin umuwi ng maaga. Nakakahiya kung mauunahan pa kaming makauwi nila Ate at Nikolai.
Binilhan ko ng mga laruan si Caleb, lahat nang itunuro niya at gusto niya binili ko kaya naman pinapunta ko pa ang driver namin para kuhanin ang mga pinamili namin dahil hindi ko kayang bitbitin lahat ng iyon. Isa pa ay ayaw bumitaw sa akin ng pamangkin.
Tuwang-tuwa si Caleb nang ipasok ang mga laruan niya sa play room niya. Hindi ko naman namalayan na naroon na pa si Nikolai kaya hindi rin nakatakas sa akin ang mga tingin niya sa mga buhat-buhay ng mga kasambahay.
"Daddy! Tata bought me some toys!" agad na kwento ni Caleb sa Daddy niya.
Nakapangbahay na rin siya ngayon at mukhang maagang natapos ang duty niya kaya narito na siya. Hindi na rin naman siya napansin ulit ni Caleb dahil excited na buksan ang mga laruan niya.
Nakakunot ang noo ni Nikolai nang tignan ako pero hindi ko na siya pinansin at sinundan na lang ang bata para matulungang mabuksan ang mga laruan niya.
Hindi ko naman namalaya na sumunod din siya sa amin ag nakita kong agad siyang tumabi sa anak niya. Kita ko ang kunot noo niyang tingin sa mga pinamili ko at mukhang hindi niya 'yon nagugustuhan ngayon.
"You spoiled him too much. Ayaw kong nai-spoil siya, Aria. Kung isang laruan lang pwede pa pero kung napakadami hindi na yata tama," sunod-sunod niyang sabi.