Parang kung ano ang naramdaman ko sa tiyan ko at abot ang tahip ng dibdib ko sa kaba. Uminit ang pisngi ko nang bitawan niya ako.
"Goodnight, ingat ka!" paalam ko at bahagyang umatras para makaalis na siya.
"Go inside first. I'll go ahead now," utos niya at bahagyang
"Can I talk to you for a bit? I-I have something to tell you," pakiusap ko sa kaniya bago siya tuluyang paalis.
Tumango naman siya at mas lalong humarap sa akin. Kanina ko pa pinag-iisipan kung paano ko sisimulan sa kaniya ang naging problema ko sa New York.
"Yeah, sure. What is it?" seryosong tanong niya.
"About what happened to us in New York," matapang na sabi ko sa kaniya.
Agad ko namang nakitaan ng gulat ang mga mata niya nang magkatinginan kaming dalawa. Alam kong nagpanggap ako kagabi na kailanman ay hindi ko pa siya nakikita pero hindi ko na kayang itago pa 'yon sa kaniya lalo na at kailangan ko siya ngayon.
"Y-you remembered? I thought-" nauutal niyang tanong kaya agad ako na siyang pinutol sa pagsasalita.
"Yeah. Naaalala kita at hindi ko naman basta-bastang makakalimutan ang.. nangyari sa atin," sagot ko sa kaniya kahit hirap na bigkasin ang huling salita na sinabi ko.
Ngayon lang na naman ako nakaramdam ng kaba dahil mukhang ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong pag-uusap ni Jacob.
"I-I'm sorry," agad niyang sabi kaya kunot noo ko siyang tinignan.
"For what?" tanong ko.
"About that night. The last time I rememered is I was just saving you from, Alonzo. Nilagyan niya ng s*x drugs ang iniinom mong alak," tuloy-tuloy niyang paliwanag.
"What?! Si Alonzo?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Alam kong lasing na ako nang gabing iyon at naaalala ko ngang nilapitan ako ni Alonzo. Hindi ko na nga lang din alam ang sumunod na nangyari roon dahil ang alam ko lang ay super wasted na ako nang gabing iyon.
"And what do you mean? s*x drugs?" nagtatakang tanong ko pa rin.
Galing sa pagkakayuko ay nag-angat ng tingin sa akin ni Jacob pagkatapos ay tumango.
"Yeah. I know him and that his business. I guess you're his target that night," seryosong paliwanag niya sa akin.
Agad naman nag-init ang dugo ko dahil kay Alonzo. I know he likes me since before! Alam ko rin sa sarili ko na hindi ko gusto ang presensya niya kapag nasa paligid ko siya at kaya pala ganoon ang nararamdaman ko ay dahil may masama siyang balak sa akin!
"Damn you, Alonzo!" mariin na sabi ko dahil sa inis.
Agad namang kinuha ni Jacob ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"And how about that s*x drugs? D-did you take it too?" tanong ko sa kaniya.
He said the he saved me from Alonzo pero bakit siya ang nakasama ko sa gabing iyon matapos nang ilayo niya ako kay Alonzo?
"Bago tayo lumabas ng bar hinarang ako nang mga kaibigan ko. Hindi ko alam na may inilagay din sila sa alak ko. When we get outside at naging agresibo ka sa akin ay tsaka lang din umepekto sa akin ang gamot," tuloy-tuloy niyang paliwanag sa akin.
"Believe me or not, sinubukan kong pigilan.. pero dahil na rin sa kalasingan at sa gamot ay nangyari ang hindi dapat mangyari," dagdag pa niya.
Kahit kinakabahan ay napatango na lang ako dahil parehas naman kaming wala nang magagawa dahil nangyari na nga iyon. Parehas lang kaming biktimang dalawa at si Alonzo ang may kagagawan no'n.
Walang nagsalita sa aming dalawa nang ilang minuto hanggang sa maramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.
"I was looking for you that morning but wala ka na. I know you're a famous supermodel kaya hindi na ako nagkaroon pa ng pag-asa na mahahanap at malalapitan kita," muling sabi niya.
Napatango akong muli dahil umalis talaga ako nang hindi pa siya gising kaya nga hindi o siya halos mamukaan at hindi na tinandaan ang mukha dahil sa pagmamadali.
"Alam kong kakalat agad ang balita na sumama ako sa'yo kaya umalis ako kaagad," sagot ko sa kaniya.
"I didn't know that my one night stand will be my fiancee," natatawang dagdag ko pa.
Hindi ko alam kung tadhana nga ba ang gumawa ng paraan para lang magkita kaming muli o sadyang maliit lang talaga ang mundo naming dalawa.
Napangisi naman siya at napailing bago yumuko na para bang nahihiya kaya itinawa ko na lang din ang hiyang nararamdaman ko.
"And you're still trending because of that," natatawang sabi niya mas lalo akong nahiya.
"Yeah, I know. Kaya nga hindi pa ako nagbubukas ng social media dahil hindi pa ako handang makita ang inilabas ng mga paparazzi sa media," sabi ko at napailing na lang.
"So what's your plan?" tanong niya.
Napakagat ako sa labi ko at bahagyang napaiwas ng tingin. Ang plano ko ay isama siya kapag bumalik ako ng New York at ipaalam sa lahat na engaged na ako. Hindi naman 'yon problema sa management ko dahil sa tagal ko sa industriya ay hindi nila ako nakitang nakipagdate sa mga sikat na celebrities na lumalapit sa akin sa ibang bansa.
"Can I request you to come with me when once I go back there? Isa pa at engaged naman na tayong dalawa kaya ayos lang na ipakilala kita sa kanilang lahat," paghingi ko ng permiso sa kaniya dahil ayoko namang gumawa na naman ng desisyon na ako lang ang may gusto.
Napaiwas naman din siya ng tingin sa akin at sandaling nag-isip kaya medyo kinabahan ako dahil baka ayaw niyang sumama sa akin. Napawi lang naman ang kaba ko nang muli siyang nagbaling ng tingin sa akin pagkatapos ay tuluyan nang tumango.
"Yes!" sa sobrang tuwa ko ay agad na napayakap sa kaniya kahit hindi ko pa naman naririnig ang salitang oo niya.
"Tumango ka na and it means payag ka na. Wala ng bawian 'yan," agad na sabi ko para pangunahan siya.
"Fine. If that's what you want and if that's what makes you happy," nakangiting sabi niya kaya hindi rin maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa wakas ay masosolusyunan ko na ang problemang nagawa ko.
"Thank you," natutuwang sabi ko at para bang may kakaiba talaga akong nararamdaman ngayon.
"No problem.. sige na at pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ng pamangkin mo," sabi niya at bahagyang natawa.
"Okay, bye. Take care," nakangiting sabi ko sa kaniya pagkatapos ay kumaway.
Itinuro naman niya ang daan at muli akong pinapaunang umalis kaya tumango ako sa kaniya at tumalikod na papasok sa mansion. Nakahinga ako ng maluwag at alam kong makakatulog na ako ng maayos ngayong gabi pero habang naglalakad palayo sa kaniya ay hindi ko maiwasang malungkot kahit papaano. Para bang gusto kong nasa tabi ko na lang siya.
I liked him. 'Yan ang alam ko dahil matagal ko nang hindi naramdaman ang ganoong pakiramdam. I remembered Nikolai, noong kami pa hindi naman ako nakaramdam nang ganoon sa kaniya kahit umabot pa kami ng tatlong taon. Pero bakit kay Jacob? Kahit kahapon ko lang siya unang nakilala ng pormal at ngayon lang nakasama ng maghapon ay iba na kaagad ang nararamdaman ko.
Naputol ako sa pag-iisip nang nakita ko si Mommy na binubuksan ang kahon na para kay Caleb while Ate is seating in the sofa while playing with her son. Napalingon naman sa akin si Mommy at napangiti.
"Hindi na kita nahintay. Kanina pa rin nangungulit ang pamangkin mo," natatawang paalam ni Mommy.
"It's okay, Mom. That's for him naman dahil wala akong pasalubong sa kaniya noong umuwi ako," sabi ko at bahagyang napalingon kay Ate.
Napatingin din naman siya sa akin nang maagaw ko ang atensyon niya at lumipat din ang ngiti niya sa malaking box na kabubukas lang ni Mommy.
"Wow! Caleb, come here look at your car!" tawag ni Mommy kay Caleb.
Agad namang umalis sa tabi ni Ate si Caleb at lumapit kay Mommy para makita iyon. Naka-assembled na iyon dahil pinaayos ko na kanina sa mall para gagamitin na lang at less na rin sa gawain namin.
"Say thank you to your Tita," sabi ni Mommy.
Napangiti naman ako nang lingunin ako nang bata at nag-thank you sa akin kahit nabubulol ito. Tuwang-tuwa naman si Mommy na isinakay ang apo roon at siya na mismo ang nag-ayos at nagpaandar nito. Nang makalayo sila Mommy ay agad ko namang naramdaman ang paglapit sa akin ni Ate dahilan nang paglingon sa kaniya.
"Aria, you don't need to spoil him naman but thank you." sabi niya pagkatapos ay ngumiti sa akin kaya hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko.
Five years ang nakalipas pero hindi pa rin namin napag-uusapan ang nakaraan. Hindi naman na kailangan pero may parte pa rin sa akin na gusto kong marinig namin ang side ng isa't-isa. Sa tingin ko rin naman ay hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapan 'yon. Kailangan ko munang mag-adjust dahil ito ang unang pagtira ko sa bahay kasama sila ng pamilya niya.
Nagbunga na ang kasalanan nila at natutuwa akong makita 'yon, but I'm still scared for forgiveness, I'm still scared to face these things.
"I'm not spoiling him. Binilhan ko lang naman siya and I know I don't have rights to do what I want for him. Tita niya lang naman ako at kung hindi ayos sa'yo, irerespeto ko na lang." sunod-sunod na sabi ko sa kaniya at napakagat na lang sa labi dahil mukhang naparami ang sinabi ko.
"Y-yeah of course you can do that, Aria. Nakakahiya lang kasi gumagastos ka sa kaniya," sabi niya at bakas nga sa boses niya ang pagkahiya.
Bahagya naman akong natawa at napailing.
"Money is not my problem. I'm independent and single Tita kaya ayos lang na ubusin ko ang pera lalo na kung para naman 'yon kay Caleb," dire-diretsyong sabi ko at agad nang umalis doon.
Hindi ko alam kung normal lang ba ang pakikitungo ko kay Ate, alam kong mas matanda siya sa akin at pangit kung babastusin ko siya pero masisisi ko ba ang sarili ko? Hindi ko pa talaga kayang makipag-usap sa kaniya ng matagal at maayos. Ang mga sinabi ko kanina at kinilos ay sagad na ang pagkamahinahon ko roon.
Gusto kong sabunutan at saktan ang sarili ko dahil sa limang taon na lumipas at sa ilang mga taong nakahalubilo ko ay bakit hindi ko pa rin makalimutan ang pangloloko nila sa akin.
Hindi ko naman ang kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon kahit marami na namang pumapasok sa isip ko. Maaga lang akong nagising dahil sa paggising sa akin ni Mommy. Gusto ko pa sanang matulog pero dahil alam kong busy si Daddy ay baka hindi ko na siya maabutan sa umagang iyon.
Naghilamos at mouth wash lang ako bago bumaba. Agad ko namang natanaw sila Mommy at Daddy na nakaayos ng attire pang opisina nila. Nang ibaling ko ang tingin kay Ate ay nakaayos din siya dahil ang alam ko ay kompanya siya nagtatrabaho ngayon. Hindi ko rin naman naiwasang mahagip ng tingin si Nikolai na nakasuot ng uniform niyang pang doctor. Ang kapatid ko namang si Ayana ay nakasuot na rin ng uniform niya pang school.
"Good morning, sweetie." bati sa akin ni Daddy kaya sa kaniya ako kaagad dumiretsyo.
"Good morning!" bati ko sa kanilang lahat.
"May gagawin ka ba today? Kailangan namin umalis lahat dahil may urgent meeting sa kompanya. Maiiwan si Caleb kaya pwede bang ikaw muna ang magbantay sa kaniya?" agad na tanong sa akin ni Mommy.
Napangiti naman ako at natuwa dahil sa wakas ay magkakaroon ako ng oras para sa pamangkin kaya agad akong napatango pero agad din na nagsalita si Ate.
"Mom, huwag na. Aria, sorry baka may gagawin ka. Dadalhin ko na lang siya kila Mama," sabi ni Ate.
"No! Nikolai's parents are both busy, right? Sa kapatid mo na lang para magkaroon din sila ng bonding dalawa," agad naman na pigil ni Mommy at kahit gusto kong tumango ay pinigilan ko na lang ang sarili.
"My sister is there Mom, pwede naman po doon na lang muna si Caleb para hindi makaistorbo," si Nikolai na agad na sumingit sa usapan.
Napatingin ako sa kaniya at nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin kaya sumimsim na lang ako sa kapeng iniinom.
Doctor ang parents ni Nikolai kaya naman sumunod siya sa yapak ng mga magulang niya. He's a doctor now and very successful man bonus na ang may Pamilya na siya. Malayong-malayo na nga talaga ang agwat naming dalawa isa't-isa.
Dito umuuwi si Nikolai pero kadalasan ay nasa hospital siya. Hindi ako sigurado roon dahil hindi ko naman alam ang schedule niya or baka hindi lang talaga kami pinagtatagpo ng tadhana hanggang ngayon.
"Yeah. Kay Ate na lang muna siya. Alam kong sabik din 'yan sa bata. Right, Ate Aria?" si Ayana na nakangisi sa akin nang sabihin iyon.
Napairap ako sa kapatid bago ko ibinaba ang kapeng iniinom at nagsalita.
"It's okay. Wala rin naman akong pupuntahan ngayon," sabi ko at nagkibit ng balikat.
Tahimik lang na kumakain si Daddy at paminsan-minsan ay may kinakausap sa cellphone niya para sa trabaho.
"Oh? That's great! Nag-aaral ang kapatid mo Nikolai kaya kay Aria na lang," natutuwang sabi ni Mommy.
Tumango ako sa sinabi ni Mommy at kumain na lang. Hindi na ako katulad nang dati na kapag narito si Nikolai ay maaga akong naliligo at nag-aayos bago bumaba para kumain ng breakfast dahil wala na akong pakiealam sa itsura ko kapag andiyan siya. Isa pa ay hindi na rin naman niya ako gusto kaya useless ang pagpapaganda ko.
"How's Jacob Hija?" agad naman na tanong ni Daddy.
Napahinto ako sandali sa pagkain dahil naalala ko na naman siya. Wala kaming planong magkita ngayon at tingin ko hindi naman kailangan na magkita kami araw-araw dahil mukhang may trabaho rin siya. Hindi ko naman tuloy napigilan na naman ang sarili na mapaisip kung ano ang ginawa niya ngayon.
"Ah! He's good naman Dad, we're very comfortable to each other." Sagot ko pagkatapos nagkibit ng balikat.
Napangisi si Daddy kaya tipid na lang akong ngumiti. Syempre nga naman ay hindi na siya mahihirapan sa amin ni Jacob. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip na paani kaya ay hindi naman talaga kami ni Jacob para sa isa't-isa? Paano kung trial na naman iyon at baka matulad lang iyon sa nangyari sa aming dalawa ni Nikolai.
Pinilig ko ang ulo ko para lang matigil sa pag-iisip ng hindi maganda. My gosh, Aria! You should think positive!