"Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa. Tanggapin nalang natin ang katotohanan Celine. Pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo tinadhana. Mahal kita Celine pero mas mahal ko siya, kaya kong iwanan ang lahat kahit ikaw.. wag lang siyang mawala."
Tagos sa puso ko ang line na 'yon kaya naman hindi ko napigilan ang pag-iyak ko habang nanonood. Ramdam ko na ang pamumugto ng mga mata ko at hikbi ako nang hikbi.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang sitwasyon ko sa babaeng bida sa pinanonood. Kung alam ko lang na iiyak ako nang dahil lang sa movie na ito ay sana pala hindi na lang iyon ang pinili kong panoorin.
Tahimik lang naman si Jacob kanjna pero nang makita niya akong uniiyak ay kita ko ang gulat sa mga mata niya. Bahagya rin naman akong nagulat nang bigla niya akong inakbayan para mayakap ako.
"Why are you crying?" natatawang tanong niya.
Bahagya ko naman siyang tinulak dahil parang inaasar niya ako. Bakit nga ba kasi ako umiiyak ngayon?!
"Ano ka ba movie lang yan," muling sabi niya at hinaplos ang balikat ko.
Mas hinigpitan naman niya ang yakap sa akin kaya napapikit na lang ako at napahugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Nagugustuhan ko ang yakap niya dahil pakiramdam ko ay kumakalma ako at nawawala ang mga iniisip ko.
"Let's go?" tanong ko sa kaniya.
"Huh?" nagtatakang tanong din naman niya.
Umayos ako ng upo at hinayaan naman niya ako kaya mabilis kong pinunasan ang natirang luha sa mata at sa pisngi ko.
"Let's go, Jacob." muli kong sabi at kahit alam kong namumugto ang mga mata ko ay tumayo na ako.
"Are you sure? Hindi pa tapos," sabi niya pero tumayo na rin naman siya.
Inalalayan niya ako nang sabay kaming umalis doon at kita ko ang mga sulyap niya sa akin na para bang tinatantya kung ano ang lagay ko.
"Ayos ka lang ba? Do you want to go home?" muling tanong niya kaya agad naman akong umiling.
Ayaw ko pang umuwi at nagdadalawang isip pa ako kung uuwi ba ako. Kung tutuusin ay pwede naman akong umuwi kay Claudia pero nahihiya ako dahil sigurado akong makakaistorbo lang ako sa pagsasaya niya kasama ang pamilya niya.
"May pupuntahan pa tayo at ayoko pang umuwi," sabi ko sa kaniya bago sumakay ng sasakyan niya.
Hindi naman siya agad nagsalita kaya hinintay ko siyang umikot at makapasok din sa sasakyan.
"Pwede namang bukas na lang. Baka pagod ka na rin e," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Napairap naman ako sa kaniya dahil nag-uumpisa na naman ang pagiging makulit niya.
"No, ayaw ko sa bahay. Tara na Jacob at huwag kang makulit," sabi ko sa kaniya.
Natawa naman siya at napatango bago tuluyang in-start ang engine ng sasakyan niya.
"Okay, okay. Makakatanggi pa ba ako sa'yo?" natatawang sabi niya hanggang sa umalis na kami roon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako susunod na dadalhin ni Jacob. Habang nasa daan naman kami ay biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tawag 'yon mula sa ibang bansa at alam kong manager ko iyon.
"Salamat naman at sinagot mo na," agad na bungad sa akin ni Ate Sofie nang sagutin ang tawag.
Napangisi naman ako dahil ngayon ko lang din in-open ang cellphone ko. Hindi nga rin ako nagbubukas ng social media simula nang makauwi ako sa Pilipinas dahil gusto kong makatakas muna sa problemang iniwanan ko sa ibang bansa.
"Sorry, I'm just busy." natatawang sagot ko sa kaniya.
"My gosh! Maloloka na ako kakasagot sa mga tanong ng management mo. Bakit ka ba naman kasi sumama sa isang lalaki na hindi mo kilala?" sunod-sunod na naman na sermon niya sa akin.
Napakagat naman ako sa labi ko at bahagyang napatingin kay Jacob na tahimik at seryosong nagda-drive.
"Ang sinabi ko na lang ay non-showbiz boyfriend mo ang kasama mo. Nagkamali nga ako dahil gusto nilang makita ang lalaking 'yon," dagdag ni Ate Sofie at halatang-halata sa kaniya ang pagiging problemado.
"Don't worry. I'll handle that. Sabihin mo na lang na nasa bakasyon pa ako at once na makabalik ako ay kasama ko na ang lalaking 'yon," sunod-sunod naman na paliwanag ko.
"What? Baliw ka na ba Ariana? At saan mo naman mahahanap ang lalaking 'yon? Oo at gwapo nga pero mukhang mahirap hanapin ang ganoong itsura!" dire-diretsyong reklamo niya sa akin.
Natawa naman ako at napailing dahil wala nga pala silang alam na ang kasama kong lalaki nang gabing iyon ay kasama ko ngayon.
"Ako nga ang bahala, Ate Sofie. Relax lang okay?" pagsisigurado ko sa kaniya.
"Ikaw ang bahala at ako naman ang kawawa? My gosh, Aria! Gusto mo talagang mag-relax pa ako ha?" patuloy niya sa pagsasalita.
"Yeah, mag-relax ka lang dahil hindi na natin 'yan problema. Just trust me okay?" muli kong pagpupumilit sa kaniya.
"How can I trust you if you always put yourself in trouble?" pagtataray na tanong niya sa akin.
Mabuti na lang ay sobrang close namin ni Ate Sofie at para ko lang siyang nakakatandang kapatid kaya nakakapagbiro ako sa kaniya.
"Ngayon lang ako na-trouble, Ate. Basta ako na ang bahala. Enjoy your vacation!" napairap pa ako nang sabihin iyon sa kaniya.
"If you ever have plans, please Aria let me know it first. Hindi 'yang gumagawa ka ng sarili mong desisyon," muling sermon niya sa akin.
"Yeah, I will. Sa ngayon bigyan mo muna ako ng bakasyon," sagot ko at bahagyang natawa.
Tinalakan lang naman niya ako nang paulit-ulit doon hanggang sa nagsawa siya at nagpaalam na. Napahugot naman tuloy ako ng malalim na hininga at muling napatingin kay Jacob na wala pa ring kibo. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan sa kaniya ang topic na iyon!
"Sorry. Kinumusta lang ako ng manager ko," sabi ko agad sa kaniya.
Bahagya naman siyang lumingon sa akin sandali at binigyan ako ng ngiti bago tumango.
"Is there any problem?" seryosong tanong niya.
"Not really a problem. Minor lang," sagot ko at agkibit ng balikat.
Really, Aria? Talagang nagawa mo pang sabihin na minor lang e hindi mo nga alam kung paano mo sisimulan ang pagsasabi no'n sa kaniya! Nakita ko naman ang pagtango niya at hindi na nagtanong pa ulit kaya nanahimik na lang ako.
Ilang minuto akong nag-ipon ng lakas ng loob bago ako muling lumingon sa kaniya pero sa huli ay hindi ko rin iyon naituloy na sabihin sa kaniya. Pinatulog niya ako dahil dalawang oras daw ang byahe namin. Nakatulog naman ako dahil napagod din ako. Five pm naman na ng hapon nang makarating kami dahil mukhang na-traffic kami habang natutulog ako.
Agad naman akong natuwa nang makita ko kung nasaan kami. Sa amusement park niya ako dinala at kita agad namin na marami nang tao roon. Nasa parking pa lang kami ay tanaw na kaagad ang malaking ferris wheel doon at dinig ang mga tili ng mga taong sumasakay sa rides.
Hindi ako mahilig sa mga rides dahil takot ako sa heights pero nag-eenjoy ako sa mga tanawin at iibang mga bagay na naroon. Alam kong higit pa rito ang mga pasyalan sa New York pero kakaiba pa rin dito dahil dito kami madalas pumunta noong mga bata pa lang kami.
Nag-ikot-ikot muna kaming dalawa ni Jacob at naglaro sa mga arcade roon. Puro lang kami tawanang dalawa at aaminin kong enjoy na enjoy talaga ako lalo na at siya ang kasama ko. Hindi ako naiilang sa kaniya dahil magaan talaga siyang kasama at hindi ka niya bibigyan ng dahil para maging uncomfortable sa kaniya.
"Tara rides tayo," pag-aaya niya sa akin at agad akong hinila paalis sa play toys.
Wala naman akong nagawa kung hindi magpatianod na lang sa kaniya dahil sa dami ng tao roon. Laking gulat ko naman nang nasa harapan na kami ng entrance ng ferris wheel.
"Jacob, wait. What are you doing? Don't tell me sasakay tayo diyan?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
Kahit kailan ay hindi pa ako nakakasakay ng ferris wheel dahil nga sa takot ko sa heights. Nang makita ko ang pagkibit ng balikat ni Jacob at ang kunot niya ring noo ay agad na akong umiling. Hindi ako sasakay doon kaya hinila ko na siya paalis doon pero hindi naman siya nagpatianod sa akin.
"Bakit? Dali na! Isa lang naman," sabi niya at pilit akong pinanatili roon.
"Takot ako sa heights kaya hindi ako sasakay diyan, Jacob!" inis na sabi ko sa kaniya.
"Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako. Face your fears kahit ngayong gabi lang," pagmumulit niya sa akin pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
Muli naman akong umiling sa kaniya at pilit kong binawi ang kamay ko pero hinila na niya akong tuluyan doon at agad nang bumili ng ticket. Napailing na lang ako at napahugot ng malalim na hininga dahil siya na ang bahala sa akin.
Nakakaramdam pa rin ako nang takot at abot ang kaba ko hanggang sa makasakay kaming dalawa roon. Hindi naman niya ako binitawan kaya nang makaupo ako roon at agad akong kumapit sa bakal na nasa gitna.
Napapikit ako nang maramdaman kong gumalaw ito dahil kaninang pagsakay namin ay kaonti na lang ang hindi nakakasakay. Hindi naman 'yon madalas pinupuno hanggang sa unti-unti ko nang naramdaman na parang tumataas na kami.
"Open your eyes, paano mong makikita ang ganda ng view kung nakapikit ka?" natatawang tanong niya.
"Baka mahulog ako!" pagalit na sabi ko sa kaniya.
Mas lalo naman siyang natawa kaya hindi ko napigilang mapadilat ang isang mata para lang tignan siya.
"Hindi ka mahuhulog," sabi niya.
"Jacob, bwisit ka huwag kang malikot!" suway ko sa kaniya nang bitawan niya ako at bahagyang lumapit sa akin dahilan nang paggalaw ng sinasakyan namin.
"Come here. May ipapakita ako sa'yo kaya dumilat ka na," pagpupumilit niya.
"Ayoko," makulit na pagtatangi ko.
Umiling ako at mas lalong ipinikit ang mga mata ko.
"Ano ba yan, Aria. Bilis na, open your eyes!" muling pagpupumilit niya sa akin.
Nang maramdaman kong parang huminto kami ay unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakakainis nga lang si Jacob dahil sobrang mapilit at makulit siya. Bahagya naman akong nagulat nang biglang may pumutok sa bandang itaas at napanganga na lang ako nang makita ang magandang fireworks na naroon.
Tamang-tama lang na nasa itaas kami dahil mas kita ang ganda nito. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakasaksi ng ganito kalapit na fireworks dahil madalas ay nanonood lang naman ako sa ibaba.
"Wow," namamanghang sabi ko.
"Jacob, ang ganda!" natutuwang sabi ko at naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang takot ko.
Nakangiti akong pinagmasdan 'yon at agad kong kinuha ang phone ko para kuhanan iyon ng video.
"Yeah, I know. Sobrang ganda nga," dahan-dahan niyang sabi at pagsang-ayon sa akin.
Nakangiti naman akong napalingon sa kaniya at bahagya akong nagulat nang sa akin siya nakatigin. Napanganga rin ako dahil ang mga ilaw na nanggagaling sa fireworks ay nagre-reflect sa mukha niya. Mas nakita ko ang kagwapuhan niya at agad kong naramdaman ang biglaang pagtibok ng puso ko.
Sandali kaming magkatitigan doon at sa mga titig niya ay para akong nalulusaw. Parang huminto sandali ang mundo ko hanggang sa pabilis na nang pabilis ang t***k ng puso ko. Bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon?
Unti-unti namang nawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa biglang pumasok na katanungan sa sarili ko. Paano kung masaktan lang ulit ako? Oo at siya nga ang fiancée ko pero magwo-work nga ba talaga kami kahit na sinusubukan naman naming kilalanin ang isa't-isa?
Nakaramdam ako ng takot. Takot na baka dumating ang araw na mahulog ako sa kaniya at dumating din ang araw na iiwan niya rin ako. Nakaka-trauma dahil hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula kapag nangyari muli iyon sa akin.
Masarap ngang mag mahal pero nakakatakot masaktan dahil hindi mo alam kung kailan ka niya iiwanan.
Ilang oras kaming nanatili roon at naglibot-libot ni Jacob. Nang mapagod ay kumain kami bago umuwi. Hinatid naman niya ako sa bahay kaya nang dumating kami ay pinakuha ko kaagad sa mga kasambahay ang mga pinamili ko na nasa sasakyan ni Jacob.
Nakaabang sa akin sila Mommy doon at agad kong natanaw ang pamangkin na nag-aabang din doon habang buhat ng Mommy niya.
"Yaya pakibaba po 'yan. Thank you," utos ko at itinuro ang remote control na binili ko para kay baby Caleb.
"How's your date? Mukhang nag-enjoy kayong dalawa at ginabi kayo," nakangiting sabi ni Mommy nang salubungin niya kami.
"Pasok ka muna, Jacob. Kumain na ba kayo?" tanong ni Mommy.
Nagkatinginan naman kami ni Jacob at sabay na napangiti sa isa't-isa. Umiling naman siya dahil kumain na nga kami kanina sa labas. Hinihintay ko lang ang magiging sagot niya kung mananatili pa ba siya sandali sa loob ng bahay.
"Hindi na po, Tita. Kumain na po kami kanina sa labas. Thank you po," pormal na sabi ni Jacob pagkatapos ay ngumiti kay Mommy.
"Are you sure? Sige hindi kita pipilitin ha," natatawang sabi ni Mommy pagkatapos ay nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Jacob.
Abala ang mga kasambahay sa pagbaba ng mga pinamili ko kaya tinignan ko isa-isa iyon habang nag-uusap si Mommy at Jacob.
"Thank you po ulit. Uuwi na rin po ako dahil I'm sure pagod na po si Aria," muling sabi ni Jacob kaya napalingon ako sa kaniya.
Oo pagod ako pero nawala iyon dahil sa ganda nang pinakita niya sa akin. Worth it lahat ng pagod ko kaya alam kong kung pagod ako ay mas pagod siya dahil siya ang nag-drive kanina pa.
"Uhm. Yes Mommy, he's also tired. Pagpahingahin na muna natin siya," natatawang savi ko at muling napatingin kay Jacob ba na seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Okay-okay. Sorry, but ang dami nito anak. What are these?" tanong ni Mommy at isa-isang itinuro ang ang mga pinamili ko lalo na ang isang malaking box kung nasaan ang binili kong laruan para kay Caleb.
"Later, Mommy. Ihahatid ko lang muna si Jacob," paalam ko.
Nagpaalam ulit si Jacob kay Mommy at buti na lang hindi na ulit nangulit pa dahil naging abala na rin sa mga pinamili ko.
"Thank you for today," nakangiting sabi ko sa kaniya dahil sobrang napasaya niya talaga ako.
Nasa harapan na kami ng sasakyan ni Jacob pero hindi pa rin siya pumapasok. Nakita ko na naman ang mga titig niya kaya bahagya ko siyang tinaasan ng kilay.
"What?" tanong ko sa kaniya at pabiro siyang inirapan
Napailing naman siya at napangisi.
"I'm just happy. Magpahinga ka na, I know you're tired." Sabi niya.
"Yeah I will. Alam kong pagod ka rin kaya sige na umuwi kana at magpahinga na rin," sagot ko sa kaniya at nagkibit ng balikat.
Bahagya naman siyang lumapit sa akin at hindi ako gumalaw kaagad dahil hindi ko alam ang gagawin niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
"Okay baby. Goodnight," sabi niya at agad akong hinalikan sa noo.