Kagaya nga ng usapan namin ni Jacob ay muli niya akong sinundo sa bahay. Hindi na rin naman siya nagtagal doon dahil mas magandang maaga kaming pupunta ngayon sa gym. Iniwanan ko na roon si Daddy at si Ayana na ang bahala na magpaalam sa pag-alis naming dalawa mamaya. May dala akong sport bag kung saan nakalagay ang pamalit kong damit mamaya. Gusto ni Jacob na siya na lang magdala nito pero tumanggi ako dahil hindi naman 'yon mabigat at kaya ko namang dalhin mag-isa. Nang makarating kami sa gym kung saan daw madalas mag-gym si Jacob ay isang lalaki na agad ang sumalubong sa kaniya. Napatingin naman ako sa buong gym at nakita kong may mga babae rin doon. Siguro kaya madalas siya rito ay isa ito sa mga nagugustuhan niya dahil maraming babae at magaganda roon. "Jacob! Girlfriend mo? Famili