Inasar lang ako ni Daddy at Ayana kaya naman tinakot ko ang kapatid ko na hindi ko siya isasama sa gabing iyong kapag hindi niya ako tinigilan kaya naman nanahimik siya at muli akong sinuyo. "I'm just happy for you lang naman. Kasi at least ngayon nakikita ko talaga ang processing mo," agad na paliwanag sa akin ni Ayana. Napairap naman ako at napabuntonghininga. Sinundan niya ako rito sa kwarto ko dahil natatakot nga na baka hindi ko siya isama kahit na pinayagan na siya ni Daddy. "Nakikita ko talagang si Kuya Jacob na ang tamang tao para sa'yo," dagdag na sabi niya. "Huwag mo munang pansinin okay? Baka mausog mo pa at maudlot na naman," sabi ko sa kanitya pagkatapos ay inirapan. Natawa naman siya at napatango na lang bago nagpagulong-gulong sa kama ko. Nag-send na sa akin ng location