Hiyaan ko si Ayana na magsaya roon at kahit na ngayon pa lang din namin nakilala ang iba naming kasama roon ay naging close naman kami agad-agad sa isa't-isa. Magaling din naman makisama si Ayana kaya naka-close niya ang iba naming mga kasama roon at ang alam ko ay may hindi nalalayo sa edad niya. Nag-aya sa akin sila Rayver at Sofia na magsayaw sa dance floor at tumanggi naman ako dahil wala ako sa mood magsayaw ngayon. Isa pa ay ang huling pagsasayaw ko sa dance floor ay hindi naging maganda kaya ayoko na muna. "Aria! Tara na!" napatingin naman ako kay Jayson na nakatayo na kasama si Ayana at inaaya akong sumama sa kanila sa dance floor. "Kayo na lang muna. Masakit ang paa ko," sabi ko kahit hindi naman talaga masakit ang paa ko. "Bakit kasi nagsuot ka pa ng gan'yang kataas," reklamo