Sa araw na iyon ay naging maayos naman kaming tatlong magkakapatid dahil nagkasalubong kaming tatlo sa hallway namin sa itaas. "Bakit namumugto ang mga mata niyong dalawa?" natatawang tanong ni Ate. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ayana pagkatapos ay sabay na natawa. "Nanood kami ng movie kagabi. Tatawagin ka sana namin kaya lang ay baka tulog kana," agad ko namang paliwanag kay Ate bilang sagot sa tanong niya. Expected na namin ni Ayana na magtatanong ang mga kasama namin dito sa bahay kung bakit namumugto ang mga mata naming dalawa. Kaya naman napag-usapan naming dalawa na huwag na lang sabihin ang iyakan naming dalawa gabi. Pinakiusap din naman sa akin iyon ni Ayana dahil siguradong aasarin na naman daw siya ni Daddy at ni Ate Alexa kapag nalaman na umiyak siya at nagdrama siy